time check: 5:15am
Yes,I am still awake. And i'm crying out loud. Di ko na talaga alam. Paulit ulit nalang.
Nagpaalam si ja aattend ng party. Since anniversary ng fraternity nila yun and I don't want him to missed it kasi everyone will be there, pumayag ako.
He went out mga 6pm na. Then I fell asleep after cooking dinner ng mga 7pm cz my tummy aches and I wanted to rest. I woke up around 9:30 kasi umiyak si zayn. Then I ate late dinner na. I am waiting for him to come home but i'm already expecting him na malalate ng uwi. I played moba,watched series but he's still not home. mga around 12am I messaged my friend who's with him apparently she didn't reply. I waited til it's 2am. Kat did message me saying na tapos na inuman and they already told Ja to come home since i'm waiting pero ayaw pa daw umuwi,kasama pa iba nya ka brod.
I waited til it's 4am. Wala pa din paramdam. Wala syang dalang phone so I messaged some of his friends na kasama nya daw paalis ng party. Sad to say no one replied. Alam mo yung feeling na nagaalala ka kasi hindi mo alam kung ano na nangyari.Hindi manlang magawa makichat sa iba para iupdate manlang ako kung ano na nangyayari sa kanya.
Labas pasok ako sa room inaantay ko sya sa labas ng bahay. Pero wala pa din. Sobrang nagaalala na ko. Hindi 'to first time. Sa tuwing aattend sya ng inuman kasama mga tropa nya. Lagi niya to ginagawa sakin.Uuwi sya kung hanggang kailan nya gusto umuwi. Hindi nagpapaalam sakin. Walang pakielam kung nagaalala nako.
so 5am dumating siya. Syempre ako as in galit na. Umiyak na ako agad asking him bakit sya ganyan? bakit nya ginagawa sakin to? Hindi manlang ba nya ako naiisip or mga anak namin? bakit hindi nya magawang umuwi ng maaga? knowing nakami lang 3 ng mga anak niya andito sa taas. Ano ba daw problema ko.Yan ang lagi nya sinasabi sakin. Tinatawanan nya pa ako kahit iyak na ako ng iyak. Yung parang hindi nya manlang nakikita na nasasaktan na ko sa paulit ulit nyang ginagawa.
He said sorry sorry daw his fault daw pero it's not sincere. Ginagawa nya yun kasi he wanted to sleep at para tumahimik na ako. Sabi niya kumain pa daw sila ng friends nya. Nabasa daw ng kasama nya chat ko but he asked his friend not to reply. Im like wtf? alam mo ba kung gaano na ako nagaalala tapos ikaw prang wala lang.Hindi pa magawang magsabi sakin kung ano na ginagawa nya.
Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala na syang takot sakin. Eversince naman. He's confident na alam nyang magagalit ako pero at the end of the day,parang walang nangyari. Iiyak lang ako. Tapos okay na. Pag sinasabi ko sakanya na mamili siya, kung kaibigan nya o kami. Sasabihin niya sakin na "ayan ka nnman tapos pag umalis ak,hahanapin mo ako", Yung super confident na mahal ko siya kaya okay lang na magalit ako kasi di ko sya matitiis.
Pero what if mapagod nako. Sabi ko sa kanya napupuno nako. Gusto ko naman sana yung may takot syang mawala kami ng mga anak ko sa buhay nya. Yung may takot sya sakin. Bakit pag ako aalis umuuwi ako agad at tumtupad sa usapan. Bakit siya kahit alam nyang galit na ako okay lang,dipa din uuwi. Wala syang pakielam sa nararamdaman ko.
mabait si Ja. kaya ko nga yan mahal e. pero bakit ganito, ano na nangyayari samin? gusto nya magbago ako gusto nya maging sweet ako sa kanya. Kaso kung puro ganito ginagawa nya pano ko gagawin yun? buntis palang ako super stressed na ako. grabe na yung nararamdaman ko. Punong puno na ng galit puso ko. Ang gusto ko lang naman yung itrato nya naman ako na normal na partner. Sumunod sya kapag pinapauwi na sya, dapat nga magkusa na sya diba.
Ganito ba talaga kapag lumampas na sa 7years relationship? nanlalamig na? How can I save our relationship? Kaya pa ba namin to?
Mahal namin isa't isa pero alam namin na may kulang na saamin. Ilang beses na kami muntik maghiwalay. Matutuloy na ba? kaya ko ba? Ang hirap..
I had my mistakes, sya din. Buti pa sila nagcecelebrate ng anniversary. Ako nga hindi nya mailabas.
Kasi andun na ako sa point ng buhay ko na kahit nasa bahay lang basta kasama ko sila ng mga anak ko.
Kaya ko iwanan mga kaibigan ko para sa pamilya ko. They're my priorities. :(
I don't know what to do anymore. I don't know if maayos pa namin to. I'm so tired.Pagod na pagod na ako umiyak for the same reason. Paulit ulit nalang. Walang pagbabago.
Where is the Love? :'(
No comments:
Post a Comment