Tuesday, 29 May 2018

Why?

I keep asking why? May nagawa ba akong mali para ganito ako tratuhin? Siguro nga wala pa ko maitulong pagdating sa pera since focus kami ni ja kay zoey pero dapat ba ganito? Hay. Napapagod na ako na napaka pangit ng tingin nila at minamaliit ako ng mga tao. Bakit ganun? Sobrang sama ko ba para maranasan ko to? Hindi ba ako deserving maging masaya para itrato ng tama ng mga mahal ko? ☹ ang dami kong tanong sa utak ko. Ano ba dapat ang mangyari sakin para maging proud naman sila sakin? Ang taas ng expectations nila sakin. E paano nga kung ganito lang ako? Lord i don't know what else i can do. May regular ako trabaho pero bakit ganun? Simula nagka anak ako they always think na ang laki namin pabigat knowing na expenses namin magina is galing naman sa sahod namin  ni ja..yun nga lang nakatira kami sa bahay namin. Well eto sabi ng pinsan ko.. kasi nga sya ang nakakausap ko lately abt this. 

Well knowing nga na kulang na nga ang panahon namin ni mommy together pero bakit naging ganito? Naging ganyan sya nung nagka anak ako. Hindi naman pabigat sa buhay si zoey. Binigay sya saamin ni lord kapalit ng lola minang and she's a blessing to us. Gusto ko mamuhay ng normal na masaya kahit hindi mayaman. But how can i do that if super taas ng expectations sayo ng mga tao at minamaliit ka nila kasi ganyan ka lang? I mean anong ganito lang ako? May maayos akong trabaho. Oo nasa pilipinas lang ako pero maayos ang trabaho ko. Napapagaral ko na ang anak ko. Nagttrabaho din si jaja. Ano pa ba ang dapat kong gawin para maging pantay ang pagtingin saakin at sa mga kinukumpara saakin? Nagumpisa na naman tong tanong na to dahil lang sa post ko kaninang umaga habang naglalaro ako ng mobile legends. 


At ayun na nga..nag comment si mami ng..


Parang ano ba? Ano na naman ba?? Mapera?? Saan parte?? Palaro laro lang?? Bakit parang ang tingin nya saakin e palaging nagpapasarap? Purket ba wala ako naambag na pera?? Yung bang pagasakripisyo ko pagaalaga sa mga kapatid ko at dito sa bahay tapos yung anak ko pa pagpapasarap ba yun? Hay. Sa totoo lang nagresign na ako last may 21 sa cnx. And dahil din sa sobrang stress ko na sa work and hndi na talaga ako masaya. Knowing na wala na talaga ako nakkuha na incentives at iba talaga ung account. Walang pag grow. Kaya binalak ko lumipat sa hsbc. Magaapply ako kapag nagkapera na ako para makakilos. Oo mahirap na si jaja lang smshod sa ngayon mageenroll pa naman yung bata pero makakaraos. Saglit lang naman ako magpapahinga. 1 month lang. Tapos ayun balik work talaga ako dahil hndi naman din ako pwedeng tumambay.☹


Hay lord, sa totoo lang di ko na po alam. Pero feeling ko magbabago lang tingin nila sa akin kapag nag abroad na ako. Una sa lahat gsto ko muna magpapayat. Para hindi na din ako inaasar na balyena ng pamilya ko. Minsan nasasaktan na din naman ako. Lalo na pag galing sa nanay mo. 




Pero okay lang. Sana mapagtagumpayan ko mag intermittent fasting and low carb diet. Sana may mangyari. Hayy. Isang gabi na puno na naman ng questions sa utak. Alam ko matatapos din to. Nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa. Magsusumikap ako maiangat lang ang buhay namin ni zoey at jaja. Para matuto din kami respetohin ng sarili namin pamilya at tingalain din nila kami. In jesus name. 



Goodnight world ♡ 

Tuesday, 22 May 2018

Resigned.

I am now officially unemployed. I just resigned yesterday. After 2 years and 11 months. Ayun tapos na. Di ko na talaga kinaya. Siguro ganun talaga. I do believe na pag hindi ka na masaya, leave. Ang hirap pilitin yung sarili mo na pumasok pa kahit ayaw mo na. Siguro kailangan ko na maghanap ng ibang account na mas magiging masaya ako. 🐶 anyhow, dahil nga unathorised na absences ko since friday last week, iaawol na ako ng tl ko kaya inunahan ko na. I tried my best pumasok however since wala nga din ako mapagiwanan kay zoey eh wala talaga. Di rin ako makapasok. Sad to say wala din ako sasahurin for the 13th month dahil di na ako umabot. -_- kaiyak lang. Pero ganun talaga. I am decided. So i went yesterday sa office kasama at bitbit ko pa si zoey to pass my resignation letter and it is effective immediately. Yes besss immediate resignation ako. Haha! :) ayun namiss nila ako since almost 3weeks ako out of work because of sickness. Yaaaaaa.  Tinanggap naman ng tl ko resignation ko. So clearance nalang ako. Gawin ko yun some other time. Sayang lang di pa ako na 3 years sa cnx. Hehe 😂 anyway. Nothin much more to say. Pic namin ng mga team mates ko bago ako umuwi

 Lol



Monday, 14 May 2018

Yay! For a new blogger app!

Omg! I just can't believe na may bago ng app for android tong blogger. Finally! 😫😯😔 tagal ko di nakapagblog kasi di na pwede sa bago kong account magbukas ng kung anek anek na site. So i'm so happpyy na makakapag update na ko ng mga stuffs from time to time. Yay for this. 😉


So yesterday we celebrated mother's day. Kahit kami lang. Hehe we ate sa mr. Ninja sa robinsons. ♡



Mejo mahirap gamitin tong app. Ayaw mag rotate ng pic. Haha! Anyhow. Ligo na ko. Wla pa kong ligo. Ang init. Bbili pa ako pang ulam namin mamaya ♡


Monday, 2 April 2018

Blogger App

wow. it's been how many months since I logged something here. Is it months? rather a year already? Kainis kasi. walang blogger app for mobile. Hindi naman ako palagi gumagamit ng laptop. Blocked din sa office yung site. So ayun. well. siguro magsearch muna ako if meron na nga app for this. Ciao. =)

Saturday, 11 February 2017

PROMOTED

So, it's just a normal day today at work.x Mejo sumama pa nga pakiramdam ko. OM she asked me yesterday if I wanted to apply for a post as a floorwalker and I said i'll think about it since i don't wanna leave my team, yet. We got loads of plans for this month and a lot more. so, i am very decided that I will not apply for it.

I am about to go home with franz, ainah then talked to me saying i should take advantage of the offer and i should just give it a try. Since it's only temporary i'm not seeing anything wrong with it.

OM Jorend, OM she, OM fai were the ones who interviewed me. They asked me 5 questions.
1. Why do I want to be a floorwalker
2. What's my edge
 3. How will I contribute
 4. How can I manage to convert the thinking of  nesters not to be afraid in trio
 5. What is success.

I answered all of their question wholeheartedly & I just says what's on my mind. I am confident that I will not passed since a lot of people applied. And my mind was sooooo tired already. After my interview were franz naman.

So, I don't have any cellphone with me along the way pauwi.. When I got home, i logged in to facebook. I was so shocked to see all of their messages saying "CONGRATS" blah blah blah.

So, ako naman. Whaaaatt? Like for real?? I got the JOB? wooah. Okay..x

I feel Sad and Happy at the same time. Sad because I won't see my team dolphins most of the time & Happy because I am now moving forward. It's time. :) x

I'm still in mixed emotion right now. Here's the screenshot of the email that was sent. Thank you, Lord. Today I am blessed! :)




Friday, 3 February 2017

for our team leader

Here's the video I did for TL appreciation day Last thursday.. :)
This is super rush. x 3 minutes lang binigay sakin na time limit. lol



Thursday, 2 February 2017

c r u s h

So I never had a crush for such a very long time since me and Jaja stayed together. Wala naman masama magka crush di'ba? so, i'm pretty sure that it's gonna be fine.  Well, nakikita ko na siya before & madami nagkakacrush sa kanya. I still remember the first time I saw him nung pinakilala siya samin ng trainer ko, saying "Yan, si _____. Yan pinakapoging trainer dito" as per TIM. Ako naman, ay ayoko diyan. Mukang mayabang and feeling pogi blah blah. So as time goes by, nagkikita lang kami. Nagkakasalubong. May girlfriend siya sa floor nun and I don't even care kasi nga di ko sya gusto. Hanggang sa dumating yung time na nag isang taon na ako sa office. Naiadd ko siya sa facebook for some reason. to be honest I don't remember adding him. Habang nasa office, tinawag niya ko and nagtanong siya cz narecognize nya daw si Eunice (muffin) sa mga nakatag sakin sa pics. Well, i'm not pretty sure but he's saying na parang may something ba sakanila ni eunice before or nagkainuman sila. Well the funny thing about it is kasama ako ni eunice nun. Debut ni steph Bugatan nung nagkita sila. small world, eh? Hahaha. ayun na nga. sabi ko sa kanya, yeah.. We're like friends for 10 years. Best friends. so shocked siya. ako naman, what's so shocking diba? :/ ayun. After nun conversation na yun. Nagkakabatian na kami. Since maloko siya he always says pag nakikita niya ko "ganda nito oh" ganto ganyan eh ganun naman sya sa karamihan na babae.x Anyway, idk why but after a year or so. I got attracted to him. Sa mga pang-aasar nya siguro. Should I say "He got me". HAHAHAHA funny! then one time sa office pagka-cr ko, nagkasalubong ulit kami & I was like..
 
 "kamusta ka na?" then he says "eto,happy being single". So ako naman, "talaga ba?" then tuloy tuloy na paglakad then bumalik ako.. "hey btw, so pwede mo na ko iunblock ulit sa facebook since wala na pala kayo"? (her gf back then blocked me sa facebook nung birthday niya.Idk why". Well sabi nya he'll think about it. Sabi ko naman. Presko. edi wag mo iunblock. pagiisipan pa e? HAHA. ayun na nga, naunblock nya ko naging friends ulit kami sa facebook. Then nagkausapan na, nagkayayayan mag yosi. Kahit di talaga ko nagyoyosi. Nung lunch time, sinama niya ko sa starbucks. Nakwento nya what's bothering him. Nagtanong ako ng cause of break up nila. Then ayun dun na nagumpisa friendship namin. Super iba pala yung pagkakilala ko sa kanya. Ang layo sa first impression. Napaka down to earth na tao pala nya. Nakakatuwa lang. lagi na kami sabay ng break and lunch sinasamahan niya ko. Nagtuloy tuloy yun for 3 months, i think. From october-december 2016. We hang out, we eat together, we drink together with friends ofcourse. Tinuruan niya ko maglaro ng Monopoly deal cards & UNO na sobrang kinaadikan ko. Natuto ako tumambay sa starbucks and nakapag collect ako ng stickers for the planner. So ayun na nga nagkaron ako ng planner. First time. x Dami ko din bagong pagkain na natutunan kainin simula ng naging close kami. Masaya. well, up until now, we're still friends but since January to be honest, umiwas na ko ng onti sa kanya. Cz alam ko naman na friends lang kami and I should know my limit. Sarap lang din ng feeling ng kinikilig ulit. Lakas maka highschool. Kaya naisipan ko i-blog to e. Kasi wala lang. Magandang memory to na di ko dapat makalimutan. ciao. :)