Tuesday, 29 May 2018

Why?

I keep asking why? May nagawa ba akong mali para ganito ako tratuhin? Siguro nga wala pa ko maitulong pagdating sa pera since focus kami ni ja kay zoey pero dapat ba ganito? Hay. Napapagod na ako na napaka pangit ng tingin nila at minamaliit ako ng mga tao. Bakit ganun? Sobrang sama ko ba para maranasan ko to? Hindi ba ako deserving maging masaya para itrato ng tama ng mga mahal ko? ☹ ang dami kong tanong sa utak ko. Ano ba dapat ang mangyari sakin para maging proud naman sila sakin? Ang taas ng expectations nila sakin. E paano nga kung ganito lang ako? Lord i don't know what else i can do. May regular ako trabaho pero bakit ganun? Simula nagka anak ako they always think na ang laki namin pabigat knowing na expenses namin magina is galing naman sa sahod namin  ni ja..yun nga lang nakatira kami sa bahay namin. Well eto sabi ng pinsan ko.. kasi nga sya ang nakakausap ko lately abt this. 

Well knowing nga na kulang na nga ang panahon namin ni mommy together pero bakit naging ganito? Naging ganyan sya nung nagka anak ako. Hindi naman pabigat sa buhay si zoey. Binigay sya saamin ni lord kapalit ng lola minang and she's a blessing to us. Gusto ko mamuhay ng normal na masaya kahit hindi mayaman. But how can i do that if super taas ng expectations sayo ng mga tao at minamaliit ka nila kasi ganyan ka lang? I mean anong ganito lang ako? May maayos akong trabaho. Oo nasa pilipinas lang ako pero maayos ang trabaho ko. Napapagaral ko na ang anak ko. Nagttrabaho din si jaja. Ano pa ba ang dapat kong gawin para maging pantay ang pagtingin saakin at sa mga kinukumpara saakin? Nagumpisa na naman tong tanong na to dahil lang sa post ko kaninang umaga habang naglalaro ako ng mobile legends. 


At ayun na nga..nag comment si mami ng..


Parang ano ba? Ano na naman ba?? Mapera?? Saan parte?? Palaro laro lang?? Bakit parang ang tingin nya saakin e palaging nagpapasarap? Purket ba wala ako naambag na pera?? Yung bang pagasakripisyo ko pagaalaga sa mga kapatid ko at dito sa bahay tapos yung anak ko pa pagpapasarap ba yun? Hay. Sa totoo lang nagresign na ako last may 21 sa cnx. And dahil din sa sobrang stress ko na sa work and hndi na talaga ako masaya. Knowing na wala na talaga ako nakkuha na incentives at iba talaga ung account. Walang pag grow. Kaya binalak ko lumipat sa hsbc. Magaapply ako kapag nagkapera na ako para makakilos. Oo mahirap na si jaja lang smshod sa ngayon mageenroll pa naman yung bata pero makakaraos. Saglit lang naman ako magpapahinga. 1 month lang. Tapos ayun balik work talaga ako dahil hndi naman din ako pwedeng tumambay.☹


Hay lord, sa totoo lang di ko na po alam. Pero feeling ko magbabago lang tingin nila sa akin kapag nag abroad na ako. Una sa lahat gsto ko muna magpapayat. Para hindi na din ako inaasar na balyena ng pamilya ko. Minsan nasasaktan na din naman ako. Lalo na pag galing sa nanay mo. 




Pero okay lang. Sana mapagtagumpayan ko mag intermittent fasting and low carb diet. Sana may mangyari. Hayy. Isang gabi na puno na naman ng questions sa utak. Alam ko matatapos din to. Nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa. Magsusumikap ako maiangat lang ang buhay namin ni zoey at jaja. Para matuto din kami respetohin ng sarili namin pamilya at tingalain din nila kami. In jesus name. 



Goodnight world ♡ 

No comments:

Post a Comment