Tuesday, 29 May 2018

Why?

I keep asking why? May nagawa ba akong mali para ganito ako tratuhin? Siguro nga wala pa ko maitulong pagdating sa pera since focus kami ni ja kay zoey pero dapat ba ganito? Hay. Napapagod na ako na napaka pangit ng tingin nila at minamaliit ako ng mga tao. Bakit ganun? Sobrang sama ko ba para maranasan ko to? Hindi ba ako deserving maging masaya para itrato ng tama ng mga mahal ko? ☹ ang dami kong tanong sa utak ko. Ano ba dapat ang mangyari sakin para maging proud naman sila sakin? Ang taas ng expectations nila sakin. E paano nga kung ganito lang ako? Lord i don't know what else i can do. May regular ako trabaho pero bakit ganun? Simula nagka anak ako they always think na ang laki namin pabigat knowing na expenses namin magina is galing naman sa sahod namin  ni ja..yun nga lang nakatira kami sa bahay namin. Well eto sabi ng pinsan ko.. kasi nga sya ang nakakausap ko lately abt this. 

Well knowing nga na kulang na nga ang panahon namin ni mommy together pero bakit naging ganito? Naging ganyan sya nung nagka anak ako. Hindi naman pabigat sa buhay si zoey. Binigay sya saamin ni lord kapalit ng lola minang and she's a blessing to us. Gusto ko mamuhay ng normal na masaya kahit hindi mayaman. But how can i do that if super taas ng expectations sayo ng mga tao at minamaliit ka nila kasi ganyan ka lang? I mean anong ganito lang ako? May maayos akong trabaho. Oo nasa pilipinas lang ako pero maayos ang trabaho ko. Napapagaral ko na ang anak ko. Nagttrabaho din si jaja. Ano pa ba ang dapat kong gawin para maging pantay ang pagtingin saakin at sa mga kinukumpara saakin? Nagumpisa na naman tong tanong na to dahil lang sa post ko kaninang umaga habang naglalaro ako ng mobile legends. 


At ayun na nga..nag comment si mami ng..


Parang ano ba? Ano na naman ba?? Mapera?? Saan parte?? Palaro laro lang?? Bakit parang ang tingin nya saakin e palaging nagpapasarap? Purket ba wala ako naambag na pera?? Yung bang pagasakripisyo ko pagaalaga sa mga kapatid ko at dito sa bahay tapos yung anak ko pa pagpapasarap ba yun? Hay. Sa totoo lang nagresign na ako last may 21 sa cnx. And dahil din sa sobrang stress ko na sa work and hndi na talaga ako masaya. Knowing na wala na talaga ako nakkuha na incentives at iba talaga ung account. Walang pag grow. Kaya binalak ko lumipat sa hsbc. Magaapply ako kapag nagkapera na ako para makakilos. Oo mahirap na si jaja lang smshod sa ngayon mageenroll pa naman yung bata pero makakaraos. Saglit lang naman ako magpapahinga. 1 month lang. Tapos ayun balik work talaga ako dahil hndi naman din ako pwedeng tumambay.☹


Hay lord, sa totoo lang di ko na po alam. Pero feeling ko magbabago lang tingin nila sa akin kapag nag abroad na ako. Una sa lahat gsto ko muna magpapayat. Para hindi na din ako inaasar na balyena ng pamilya ko. Minsan nasasaktan na din naman ako. Lalo na pag galing sa nanay mo. 




Pero okay lang. Sana mapagtagumpayan ko mag intermittent fasting and low carb diet. Sana may mangyari. Hayy. Isang gabi na puno na naman ng questions sa utak. Alam ko matatapos din to. Nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa. Magsusumikap ako maiangat lang ang buhay namin ni zoey at jaja. Para matuto din kami respetohin ng sarili namin pamilya at tingalain din nila kami. In jesus name. 



Goodnight world ♡ 

Tuesday, 22 May 2018

Resigned.

I am now officially unemployed. I just resigned yesterday. After 2 years and 11 months. Ayun tapos na. Di ko na talaga kinaya. Siguro ganun talaga. I do believe na pag hindi ka na masaya, leave. Ang hirap pilitin yung sarili mo na pumasok pa kahit ayaw mo na. Siguro kailangan ko na maghanap ng ibang account na mas magiging masaya ako. 🐶 anyhow, dahil nga unathorised na absences ko since friday last week, iaawol na ako ng tl ko kaya inunahan ko na. I tried my best pumasok however since wala nga din ako mapagiwanan kay zoey eh wala talaga. Di rin ako makapasok. Sad to say wala din ako sasahurin for the 13th month dahil di na ako umabot. -_- kaiyak lang. Pero ganun talaga. I am decided. So i went yesterday sa office kasama at bitbit ko pa si zoey to pass my resignation letter and it is effective immediately. Yes besss immediate resignation ako. Haha! :) ayun namiss nila ako since almost 3weeks ako out of work because of sickness. Yaaaaaa.  Tinanggap naman ng tl ko resignation ko. So clearance nalang ako. Gawin ko yun some other time. Sayang lang di pa ako na 3 years sa cnx. Hehe 😂 anyway. Nothin much more to say. Pic namin ng mga team mates ko bago ako umuwi

 Lol



Monday, 14 May 2018

Yay! For a new blogger app!

Omg! I just can't believe na may bago ng app for android tong blogger. Finally! 😫😯😔 tagal ko di nakapagblog kasi di na pwede sa bago kong account magbukas ng kung anek anek na site. So i'm so happpyy na makakapag update na ko ng mga stuffs from time to time. Yay for this. 😉


So yesterday we celebrated mother's day. Kahit kami lang. Hehe we ate sa mr. Ninja sa robinsons. ♡



Mejo mahirap gamitin tong app. Ayaw mag rotate ng pic. Haha! Anyhow. Ligo na ko. Wla pa kong ligo. Ang init. Bbili pa ako pang ulam namin mamaya ♡