Monday 17 June 2013

Tomorrow is the day! :)

After 9 months of waiting to give birth. Eto na! Naka sched na ako iinduce bukas sabi ng ob gyne ko. Need ko na daw manganak kasi bumaba na level ng water sa panubigan ko. Mahhrapan daw ako kapag naubos yun. Nakakatakot. Super kabado na ako pero lumalakas loob ko sa mga taong mas excited pa sa akin makita ang baby girl namin ni jaja. Hay, sana kayanin ng powers ko. Sana walang maging problema. Magdasal lang daw ako sabi nila. Kaya ko to! Sana wg ako ma cs pra hndi mbgat sa budget. Sana kayanin ko ng normal delivery. Kung kaya nila, kaya ko din. Nakakatuwa supportive silang lahat sakin. Pero bukas kami kami lang nila jaja sa lying in ng ob ko and sina mama weng. Nagpreprepare na ako ng gamit ngayon. Aayusin ko na lahat mamaya kasi maaga daw kami bukas. Kukumpletuhin ko na din gamit ni baby. Hay, i can't believe it. Eto na yun. Eto na talaga. Di na talaga ako mapakali. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Pero bawal ako umatras sa pagsubok na to. Haharapin at haharapin ko talaga to. Basta ang alam ko anjan lang si lord ksama ko. Di nya ako papabayaan. Magiging okay ang lahat. Kapit lang! :) thanks thanks sa lahat ng nagmamahal sakin..ü See you anak!

No comments:

Post a Comment