Monday 17 September 2018

So much pain. ♡

I don't really know why. But i am just really sad right now. Sabay sabay na yung pain na nararamdaman ko. Alam ko hindi to maganda coz i am now 13 weeks pregnant but lord please heal me. Heal my soul and help me forget all the things that hurt. ☹  sana mahalin ako ng mommy ko katulad ng pagmamahal nya sa iba kong kapatid. Alam ko mahal nya ako but then nagbago lahat yun simula ng bumuo ako ng sarili kong pamilya. Ngayon na masusundan na mas lalong lumala. I dont feel like i still have a family anymore. Namimiss ko yung dati. Yung sobrang close namin magkakapatid. Sabay sabay kakain. Ganun pa din naman ako sa kanila kahit nagka zoey na ako. Concern pa din ako sa kanila kahit na alam kong hindi nila nakikita yun. Parang mami ko, di nya din nakikita. Pero ayos lang. Pagsubok siguro sakin to ni lord. Pero sana matapos na kasi ang sakit sakit na. Araw araw nalang ako umiiyak eh. Kahapon naiyak ako naalala ko si lola. Siguro kung buhay sya, mas less yung pain. Kasi may nakakaintindi sakin. Kahit mali ako kakausapin nya ako maayos but tutulungan nya ako para mawala na yung pain nraramdaman ko. Kaso wala na sya eh. Wala na nagtatanggol sa akin. Mag isa nalang ako lumalaban sa pain na nararamdaman ko. Wala na ako kakampi. Sumasaya nalang ako kapag nakikita ko si zoey. Buti nalang din at mahal ako ni jaja ginagawa nya lahat para samin. Siguro malungkot ako kasi hindi ko na maramdaman na mahal ako ng nanay ko. Alam ko na mahal nya ko pero di na nya pinaparamdam yun saakin. Di nya matanggap yung second baby ko.  Naiinggit ako sa mga kapatid ko. Kasi napakasweet sa kanila ng mommy. Pero sakin, never yan nakapagpost ng sweet birthday greeting sa facebook wall ko. Pero kapag sila,  lagi yan sobrang sweet at touching na message sa wall nya pa. Alam ko di magandang magselos pero masisisi nyo ba ako masaktan sa mga ganun ka simpleng bagay? May time na naisip ko na sana nawala nalang ako. Para makita nya yung difference kapag wala na ako sa buhay nila. Para makita naman nila na nagsisikap and nahhirapan din ako. Na tao lang ako. Lagi kaai nasa utak nila nagpapasarap ako. Na walang iniisip na pagod niya. Na walang awa. Hello. Ganun ba ako kasama? Para di makita lahat ng sakripisyo nya. Lahat sila they always find me as big disappointment simula nagka anak ako. At nakakalungkot yun isipin. Purket ba hindi ako makaprovide ng needs nila since may priority na akong bago. Lahat sila sa japan na. Si leleng last year andun na. Si jerik sa april and probably susunod na din si duday after. Maiiwan ako dito kasi ayaw ni mami iwanan ko tong bahay. Okay lang yun sakin. Di ko alam ano plano nya. Pero hopefully sana maging masaya naman na ako sa mga susunod na panahon. Nakakapagod din maging malungkot and i dont wanna be depressed again. I want to move on from all of these pain in my heart. -_-  so please help me God. Wala ako masabihan ng nararamdaman ko kasi pag nagsabi ako ssbhn sakin nagseself pity. Without them knowing what i really feel. I am super super sad but i want to be free. I want to be happy. Alam ko may plan si papa God samin. At magiging okay din ang lahat. ❤

No comments:

Post a Comment