Saturday, 18 April 2015

kakain sana ako ng dinner.. kaso..

Hndi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Basta ang alam ko ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Bakit ba sila ganito sakin? Ano ba nagawa ko? Hirap na hirap na nga ko sa dami ng problema ko tapos ganyan pa pinapakita nila sakin. Oo, wala akong kwenta. Wala akong naitutulong. Pero hndi naman sapat na dahilan yun para itrato nila akong parang ibang tao diba? Panganay ako. Pero bakit ganyan sakin yung mga kapatid ko? Parang di na nila ako tinuturing na kapatid. Purket ba sila may hawak ng pera at ako walang wala? Dapat ba maging ganito? ang tingin nila pabigat ako kaya ganito ako tratuhin? Kung sagot sagutin eh parang wala ng karespe respeto? Akala mo may naitutulong na sila kay mommy para ganitohin nila ako. Oh baka kaya sila ganyan dahil sinabi din ni mommy? Iiyak nalang ako.. wala naman ako magawa eh. kahit anong sabihin ko may sagot sila. Darating din yung time na matututunan nila ko irespeto. Siguro kapag dumating na yung panahon namagkakaron  na din sila ng pamilya. At mahihirapan na din sila sa buhay. Ako yung taong hirap na hirap na sa laki ng problema tapos imbis na pamilya mo maging sandigan mo eh mas lalo ka pa pinahihirapan.may point naman sila eh kaso sobra na. Dumating na sa point na papaalisin na kami dito sa bahay. Kasi nga daw imbis makatulong e pabigat pa. kasi pati mga colgate at shampoo daw binabawas pa sa budget. Kung tutuusin nga wala kami hnhngi ni jaja na pera para sa sarili namin. Tpos ssbhn pa yun? Ibang tao ba ako para pagdamutan ng colgate? para hndi magsaing ng kanin kasi hndi sila kakain kaya kami na bahala magsaing kahit late na at lampas na oras para kumain? Aminado ako na wala pa talaga akong naitutulong. ako din may kasalanan bakit umabot sa ganito. Pero bakit ganon? Bakit ang sakit sakit. Kung bungangaan ako ng kapatid ko na 4 na taon ang tanda ko sa kanya e akala mo kung sino. Kailangan na ba talaga namin umalis dito? Kaya ba namin? :( nagkukulong na nga ako sa kwarto dahil hindi ko na kaya humarap sa kanila. Kung hndi ako bubungangaan kesyo nag aircon pa daw ako wala na nga pambayad. ( nagaircon lang naman ako dhl super init sa taas at kwawa si zoey pag tanghali) i mean bakit pa kailangan sabihin yun?? Ibang tao ba kami? Oo totoo sinasabi pero wala na ba kami karapatan? alam ko naman kung bakit lahat sila ganyan tingin samin. Kasi wala pa kami napapatunayan at naitutulong. Sa totoo lang hirap na hirap na Ko. Kahit ng umuwi si mommy dito for 2 weeks. Ilang gabi ako umiiyak sa sakit ng pinapakita niya sakin. Alam ko naman para sa akin yun kaya nya ginagawa yun pero parang sobra na. Katulad ng nagpreprepare sila para umalis. Tapos partida pa hndi ako inaya sumama. Sabay sasabihin sakin. "Yung mga pinagkalatan namin ha, siguraduhin mo lang na wala ako dadatnan na kalat" parang ang sakit lang sa pakiramdam na feeling ko katulong ang kinausap nya. Hndi manlang masabi.. nak, aalis muna kami ha. Kaw nalang bahala dito sa bahay. Kung ganun pa siguro ok lang. Kaso grabe eh. Nasagot ko nga sya sabi ko "katulong?alila?" Tapos galit na galit siya.. hayy lord kailan po kaya nila ako matututunan mahalin katulad ng dati? Nahihirapan na po ako. Naaawa na po ako sa sitwasyon namin. Kailangan ko na po ba mag abroad at iwanan si zoey para makaipon? Gagawin ko po yun lord. Pangako ko sa sarili ko matapos lang ang mga utang namin.makakaahon kami. Sobrang walang tiwala sakin sarili kong ina simula nagka anak ako. Sana dumating yung panahon na matapos na to. Yung kapatid ko inaya ko manood ng dvd sa kwarto namin pero ano sabi? "Bahala kayo sa buhay nyo". Pilit ko binabalik yung dati pero nagbago na talaga sila sakin. Siguro dahil sa pinapakita ni mommy nun kaya ganun na din tingin nila sakin. eto na yata yung pinakamahirap sa lahat. Grabe na ang liit ng tingin nila samin. Lord, sana maging okay na ang lahat.. nung isang gabi iyak ako ng iyak naalala ko si lola. Sabi ko siguro kung hndi sya nawala hindi ko to mararanasan. Kahit na spoiled nya ako. Sya lang nagparamdam sakin na sobrang mahal nya ako. Kahit nagkakamali ako hndi nya ko tinatrato na parang ibang tao. Kahit na nahihirapan sya sakin pilit niya ako iniintindi at mas lalo pa ako minamahal. Sayang at hndi ko pa nasuklian yun bago sya mawala. Ang sakit sakit ng dibdib ko ngayon. Na dito ko lang sa blog ko nasasabi lahat to. Kasi wala akong makausap. Wala ako masabihan. Sana po lord bigyan nyo pa po ako ng lakas ng loob para maiayos ko lahat ngpagkakamali ko. Para matutunan po ako mahalin ulit ng mga taong mahal ko. Sana mapatawad nyo po ako sa mga maling nagawa ko. Hindi ko po alam saan maguumpisa. At hanggang kailan pa po magiging ganito. :'( lord, kayo na po bahala. Kikilos po ako para samin ni jaja at zoey.  Tulungan niyo po ako. :(

No comments:

Post a Comment